Brutal na pinatay ang katorse anyos na si Reynaldo de Guzman alyas “Kulot”.
Base sa isinagawang otopsiya ng Commission on Human Rights (CHR), nagtamo ng saksak sa puso at baga si de Guzman.
Nagkaroon din ng blood clot sa chest cavity kaya posibleng nagka-internal bleeding ang biktima.
Hindi pa malinaw ang sanhi ng pagkamatay ni de Guzman.
Patuloy na inaalam ng CHR at National Bureau of Investigation (NBI) ang eksaktong bilang ng mga saksak sa biktima.
Ayon sa NBI, posibleng mahabang kutsilyo ang ginamit sa pagpatay kay de Guzman dahil tumagos sa katawan nito ang ilang saksak.