PINAS

Dating BOC Commissioner Faeldon, ‘no show’ pa rin sa pagdinig ng senado

Muli na naming inisnab ni dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa tara system sa loob ng Aduana.

Base sa sulat na ipinadala ni Faeldon sa senado sinabi nitong hindi ito sumasalungat sa senado ngunit ang di nya umano pagdalo ay pagpapakita ng pagprotesta.

Handa umano niyang harapin ang anumang kaso na isampa laban sa kanya na may kaugnayan sa shabu shipment at korapsyon sa loob ng BOC.

Matatandaang muntik nang ma contempt si Faeldon sa huling pagdalo nito sa senado dahil sa pagtangging sagutin ang mga tanong ni Sen. Antonio Trillanes IV na kung may koraspyon ba sa BOC.

Ayon naman kay Sen. Ricahrd Gordon ang siyang chariman ng senate blue ribbon na pag-uusapan nila ang naging pang-iisnab ni Faeldon sa pagdinig ng senado sa isang executive session base na rin sa kahilingan ni Sen. Panfilo Lacson.

Noong nakaraang pagdinig ay nag-issue na ng subpoena ang Senate Blue Ribbon Committee kay Faeldon dahil nga sa pang-iisnab nito sa senado.

Bago natapos ang pagdinig ay sinabi ni  Sen. Gordon na ipapa-contempt nya na si si Faeldon kapag hindi pa ito dumalo sa susunod na pagdinig sa Lunes at ipaaresto sa senate sergeant at arms sakaling isnabin pa ang senado.