Ni: Hannah Jane Sancho
Tahasang itinaggi ni Dangerous Drugs Board chief Dionisio Santiago ang paratang na ang mga mahihirap lamang ang target ng war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.
Sa isang press briefing ay ipinaliwanag ng kalihim na nagkataon lamang na mga nasa marginalized sector ang mga naapektuhan sa kampanya ng pamahalaan kontra droga.
Ipinunto ni Santiago na hindi naman nakapagtataka na talamak ang pagtutulak ng iligal na droga sa mga mahihirap dahil sa hirap na rin ng kanilang buhay.
Umalma naman si Santiago sa ginagawa ng media dahil sa nasi-sensationalize lang nito ang patayan na may kinalaman sa kampanya ng pamahalaan sa iligal na droga habang ang ibang positibong programa nito ay hindi man lang napapansin.
Pinuna din ni Santiago ang pagsakay ng mga kritiko sa mga sinesensationalized na mga balita.
Nanawagan naman ang PDEA chief sa media na tulungan sila sa pagpapalaganap ng impormasyon kontra droga sa publiko, lalo na ang masamang epekto ng paggamit ng illegal drugs.