
Humihingi na nang tulong sa mga sundalo at pulis ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sanayin ang forest rangers laban sa mga illegal loggers sa bansa.
Ang hakbang ay ginawa ng DENR matapos ang insidente ng pagkakapatay sa ilang miyembro ngEl Nido-Taytay, Managed Resource Protected Area Management Board.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, dapat sanayin sa paghawak ng baril ang mga forester rangers bilang security protocol.
Gayunman, pinag-aaralan din ng kalihim kung marapat na pagbitbitin ng baril ang mga forest rangers bilang depensa laban sa mga illegal loggers na masasabat.