PINAS

Anti Hazing Law hati ang mga Senador, sa pagbasura nito

Pinas News

ANTI Hazing Law, iba-iba ang komento ng mga senador kaugnay sa kung dapat bang ibasura na o amyendahan lamang ang batas sa anti hazing law.

Karamihan naman sa mga senador ay nais lang na amyendahan ang kasalukuyang batas.

Gaya nalamang ni Sen. Migz Zubiri na sinasabing dapat lagyan ng mas mataas na parusa na Reclusion Perpetua at mataas na multa na tatlong milyong piso.

Mananagot ang founder ng fraternity kung sakaling may paglabag na ginawa o may nasawi dahil sa hazing kahit pa wala siya nang maganap ang insidente.

Para naman kay Sen. Grace Poe dapat amyendahan dahil mawawalang saysay ang mga kabataang nasawi dahil sa hazing kung isasawalang bahala lamang ang pangyayari.

Ngunit para naman kay Sen. Franklin Drilon na miyembro rin ng isang fraternity dapat ay tuluyan nang ibasura ang hazing.

Naniniwala ang senador na maaring maganap ang sinasabing brotherhood kahit pa walang nasasaktan.

Gayundin si Sen. Risa Hontiveros ay nais nang mawala ang hazing sa mga ganitong uri ng fraternity hindi kailangan may mag buwis ng buhay.

Matatandaang nasawi si Horacio Castillo III ang law student mula sa UST dahil sa hazing ng Aegis Juris fraternity.