Sa England…
Inaasahan ng duke at duchess ng Cambridge ang ikatlo nilang anak.
Sa unang pagkakataon ay si Prince William ang nag-anunsyo ng pagbubuntis ni Kate Middleton habang ito ay nagsasalita sa isang mental health conference.
Aniya, nagsimula na umano silang magdiwang sa linggong ito.
Subalit, ayon sa Palasyo, muli na namang ginagamot ang duchess ng Cambridge dahil sa hyperemesis graviradum, isang morning sickness na siyang nagdulot sa kaniya ng pagkakaospital sa una at ikalawang pagdadalantao nito.