PINAS

Pangulong Duterte, pagbibigyan ang hiling ng Taiwan sa isyu ng ‘Bamboo’ triad

Pinas News

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte sa hiling ng gobyerno na magbigay ng ebidensiya kaugnay sa Taiwan-based ‘Bamboo’ triad.

Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kung nakikita ng pangulo na kinakailangan ay pagbibigyan niya ito.

Nilinaw din ni Abella na walang sinisising bansa si Pangulong Duterte kung di binigyang diin lang ng pangulo na may organized crime na nasalikod ng drug trafficking at ito ang ‘Bamboo’ triad.

Mga Chinese descent ang mga ito ngunit hindi sinusuportahan ng anumang gobyerno ang kanilang mga illegal na transaksyon.

Ang intel ng pangulo kaugnay sa ‘Bamboo’ triad ay mula sa mapagkakatiwalaang international sources.

Magugunitang kahit si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay hindi alam kung saan galing ang ‘Bamboo’ triad na ibinulgar ni Pangulong Duterte.