PINAS

Hidilyn Diaz, puspusan na ang paghahanda para sa event sa Turkmenistan

Puspusan na ang paghahanda ng Rio de Janeiro Olympics silver medalist at weightlifting star na si Hidilyn Diaz.

Susubukan ngayon ni Diaz na masungkit ang gold medal sa gaganapin na Asian indoor and martial arts games sa Ashgabat, Turkmenistan.

Ang laro ay magsisimula sa darating na Setyembre 16.

Ayon kay Diaz, bagama’t hindi niya maipapangako na maiuwi ang gold medal dito sa Pilipinas ay sinisiguro naman niya na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para makapagbigay ng karangalan sa bansa.