Ni: Melody D. Nuñez
“This is not only a rain of blessings. This is a storm of blessings,” pahayag ng lider ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo C. Quiboloy nang bumuhos ang malakas at malabagyong ulan sa ipinagdiriwang na ika-32 Anibersaryo ng Kingdom Nation na ginanap sa Openfield KJC Central, Sasa, Davao City nakaraang Setyembre 3 ng taong ito.
Tunay ngang ang kamangha-manghang paglago ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, ay isang hindi mapantayang kasaysayan kung saan nagging palaisipan sa mga tao ang klase ng paglago na nararanasan ng naturang organisasyon sa loobl amang ng 32 taon.
Pagkatapos ng 32-taon mula sa 15 miyembro sa Lunsod ng Davao, lumaganap na ang Kingdom of Jesus Christ sa 200 bilang na mga bansa, 2,000 bilang na mga lungsod sabuong mundo na may kabuuang 6.5 milyon na mga miyembro, may sariling TV network na nakikita sa lahat ng mga bansa, maging isang radio network at pahayagan.
Inihambing ni Pastor Apollo ang paglago ng Kingdom of Jesus Christ sa malabagyong ulan kung saan malabagyo rin ang pagpapala na ibinuhos umano ng Dakilang Ama sa maikling panahon mula sa pagkatatag nito. Para naman sa mga tagapuna, kataka-taka ang paglago ang naturang organisasyon.
Ngunit paliwanag ng tagapagtagtag nito na si Pastor Apollo C. Quiboloy, ito ay kalooban ng Dakilang Ama.
“The Father has blessed the Kingdom Nation because it is His Will. This is the Father’s doing, this is His work, this is not the work of man,” pag-aaminni Pastor Apollo.
Nangako naman ang butihing Pastor na sa susunod na selebrasyon ay gaganapin na ito sa loob ng Kingdome, isang 70,000-seating capacity grand cathedral na itinayo mismo sa loob lamang ng compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City kung saan itinayo ito sa loob ng 21-ektaryang lupain, na inaasahang matapos sa susunod na taon.
‘Shower of Blessings’ naman ang inawit ng butihing Pastor sa ginanap na selebrasyon kamakailan ng ‘Tribute to the King 2017,’ na napapanood ng live sa Sonshine Media Network International , sa pagbuhos ng malakas na ulan sa panahong humarap ang butihing Pastor sa mga mala-prinsipe at mala-prinsesang mga kasuotan ng mga lider. Mailarawan ang gabing iyon ng puno ng makulay na mga kasuotan at palamuti na lumiliwanag sa paligid ng lugar. Kabilang sa selebrasyon ang malaking salo-salo na nilahukan ng mga internasyonal na lider.
Isa ang naturang espesyal na okasyon sa mahalagang bahagi ng taunang 21st International Kingdom Leader’s Convention (IKLC), isang malaking pagtitipon ng mga lider na nagmumula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, upang ipakita ang kanilang pagpaparangal sa Makapangyarihang Diyos.
“What we have rendered and offered today, our tribute to the King is unlike any other gift and offering the outer world of the spirit knows or has rendered. These are the spotless sheep of our flock, the most perfect fruit of our crop of blessings, fit for one other than the King of Kings, offered in obeisance and acknowledgement and exultation of His rulership over us, His new creation,” pahayag ni Pastor Apollo.
Kilala din ang liderato ni Pastor Apollo sa larangan ng kawanggawa, lalong lalo na para sa mga kabataan sa mga foundation na itinayo niya katulad ng Children’s Joy Foundation, Inc., Keeper’s Club International, at ang kanyang adbokasya sa kapaligiran sa pamamagitan ng Sonshine Philippines Movement.