PINAS

Ilang senador, naniniwalang suportado ng mayorya ang liderato ni Pimentel

Pinas News

Malaki ang paniniwala ni Sen. JV Ejercito na may tiwala ang mga miyembro ng mayorya sa senado sa pamamahala ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, sa senado.

Ayon kay Ejercito, malaki ang kumpiyansa nito na patas si Pimentel sa paggagwa ng anumang desisyon sa senado.

Maging si Sen. Richard “Dick” Gordon ay nagsabi na kay Sen. Pimentel ang suporta ng mayorya sa senado.

Matatandaang kahapon ay nagbigay ng pahayag si Sen. Antonio Trillanes IV na gagawa ito ng hakbang na mapatalsik sa pwesto si Pimentel sakaling hindi maalis si Sen. Gordon bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.