Nararamdaman na umano ni Ina Raymundo ang hirap ng pagtataguyod ng mga anak na teenager.
Ani Ina, hindi naman niya naramdaman ito ng bata pa ang kaniyang mga anak.
Habang lumalaki umano ang mga ito ay parang naiilang sila na baby ang trato sa kanila, at minsan nga ay nararanasan pa niyang sumasagot ang mga ito.
Sinabi naman nito na dinidisiplina niya ang mga ito at sinasabihan na palaging rumespeto pagkat siya ang kanilang ina.
Nararamdaman naman umano niyang ayaw makipag-bonding ng mga ito sa kanya at mas gusto
Na magkaroon ng sariling mundo.
Naiintindihan naman daw umano ito ni Ina na dumadaan na sa grown up stage ang mga ito.