Masarap kumain ng instant noodles lalo na pag malamig ang panahon.
Ngunit alam nyo ba na wala itong sustansya na naiaambag sa ating katawan?
Sa isang pagsusuri na isinagawa ng mga eksperto kung saan isang maliit na kamera ang inilagay sa loob ng tiyan ng isang tao ay lumalabas na matagal matunaw ang istant noodles.
Ayon sa mga eksperto, matagal malusaw ang noodles dahil sa nilalaman nitong preservatives na nagpapatagal sa expiration date ng nasabing instant food ngunit masama para sa ating katawan o kalusugan.
Hindi rin maganda ang epekto ng additive kagaya ng vetsin na nasa flavoring ng mga instant noodles.
Ayon sa parehong pagsusuri, ang vetsin o monosodium glutamate na isang uri ng preservative ay may masamang epekto sa katawan, lalo na sa mga kababaihan.
Ang mataas na intake ng vetsin ay nagdudulot ng metabolic syndrome o ibat-ibang uri ng kondisyon sa katawan tulad ng mataas na blood pressure, pagtaas ng blood sugar, at sobrang paglaki ng taba sa tiyan.
Pinapataas nitoa ng tsansa ng pagkakaroon ng heart disease, stroke, at diabetes.