Sinabi ng isang lalaki sa New York na ang kulang na sangkap ng spaghetti sauce ng kanyang pamilya ay nauwi sa pagbili nito ng lottery ticket na nakapanalo sa kanya ng $5 milyon.
Dumaan umano si John Lewis, 56, ng Saranac Lake, sa isang tindahan dahil kailangan nito ng mushroom para sa spaghetti sauce gamit ang lumang recipe ng kanyang ama.
Hindi umano aniya matanto kung bakit binili niya ng scratch-off ticket sa $10 na sukli dahil hindi naman ito mahilig umano sa lotto, at sa huli ay nagbibigay sa kanya ng lubos na kasiyahan dahil sa pagkapanalo ng malaking halaga.