Ni: MJ Mondejar
Muling sumalang sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si secretary Rafael Mariano para sa pagdinig kanyang ad interim appointment sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Ngunit sa pangalawang pagdinig ng kanyang appointment ay muli na naman itong ipinagpaliban.
Sa nangyaring pagdinig ay inulan ng reklamo si Mariano mula sa sampung oppositors ng kanyang kumpirmasyon.
Ilan sa naging reklamo ay namimili umano ang kalihim ng tinutulungan kung saan mas pinapaboran lamang umano niya ang mga miyembro ng magbubukid sa Asyenda Luisita o AMBALA.
Binatikos din ng grupo ng mga kapitan ang kalihim sa kabiguan niyang tugunan ang kanilang pangangailangan.
Tinututulan naman ng mga opisyal ng Lapanday Food Corporation na nakabase sa Mindanao, ang appointment ni Mariano dahil sa pagiging maka-kaliwa nito.
Ayon sa mga taga Lapanday, kasama sa pagpaplano si Mariano sa naganap na pag atake ng rebeldeng npa sa kanilang planta noong April 29, 2017.
Hinala ng Lapanday, isa si Mariano sa mga lider ng komunista base na rin sa pagiging makakaliwa nito bago italaga sa DAR.
Bagama’t natapos na ang pagdinig sa hinaing ng mga oppositor ni secretary Mariano ay hindi naman agad na nakapaglabas ng disisyon ng CA.
Ayon sa komite ay hihintayin muna nila ang datos na hinihingi ni Sen. Gringo Honasan kaugnay sa kasulukuyang status ng mga agrarian benificiaries sa buong bansa.
Samantala, sinagot naman ni Mariano ang mga binabatong issue sa kanya ng mga oppositor matapos ipagpaliban ang pagdinig sa kanyang ad interim appointment.