Hindi pahuhuli ang cluster finals para sa lungsod ng Caloocan, Quezon City, San Juan at Pasig na ginanap sa Farmer’s Plaza Araneta Center.
Mula sa daan-daang nag-audition ay lima lamang ang nakapasok sa kids category at lima din sa open category.
Ipinamalas ng mga contenders ang kanilang versatility sa pagkanta ng Original Pinoy Music (OPM) bago makapasok sa susunod na level, ang pagkanta ng english piece.
Mula sa lima, tatlo na lang sa bawat kategorya ang sumabak sa english songs.
Ang nahirang na nagwagi sa cluster finals ay sina Krystal Grace Acero para sa kids category at Krezia Toñacao naman sa open category.
Abangan sila at ang iba pang nanalo sa cluster finals sa nalalapit na mega showdown ngayong Setyembre.
Tutok lang sa Sonshine Media Network International News Channel para sa susunod na updates.