Isasailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Laguna matapos ang pananalasa ng Bagyong Maring.
Ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez, inirekomenda na niya sa Sangguniang Panlalawigan ang deklarasyon ng state of calamity para magamit ang calamity fund.
Malawak aniya ang naging pinsala ng bagyo sa lalawigan batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Sa tala ng Laguna PDRRMO, anim pa ang nawawala sa lalawigan.
Habang higit walumpung pamilya o 4,140 na indbidwal ang nasa evacuation centers.