Ipinagtanggol ng aktor na si Luis Manzano ang kanyang ina na si Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto mula sa ilang netizen.
Ito ay matapos akusahan na isa ito sa mga bumoto para bigyan ng isanlibong pisong budget ng Kamara ang Commission on Human Rights (CHR) para sa taong 2018.
Ayon kay Luis, hindi nakadalo o nakaboto ang kanyang ina sa budget deliberation kahapon dahil may sakit ito at muntik nang ma-ospital.
Iginiit din ng aktor na isa ang kanyang ina sa tumututol na bawasan ang pondo ng CHR.