PINAS

Mag-amang Binay, nakitaan ng probable cause kaugnay sa maanomalyang P2.2-B overpriced Makati Parking Building 2

Sa inilabas na resolusyon, nakitaan ng probable cause ng Sandiganbayan 3rd Division sina former vice president Jejomar Binay at anak na si dating Makati mayor Junjun Binay kaugnay sa maanomalyang pagpapatayo ng Makati City Hall Parking Building 2 na nagkakahalaga ng 2.2 bilyong piso.

Itinakda naman ng korte ang arraignment at pre-trial sa mag-amang Binay sa September 29.