Ikinasal ang magkasintahan na unang nagtagpo sa isang M14 bus 13-taong nakalipas sa isang parehong bus sa New York City.
Lumahok ang iba’t ibang pasahero at 50 bilang na mga bisita sa isinagawang kasal nina Kara Mullins at Osvaldo “O.J.” Jimenez sa isang M14 na bus kung saan ipinalabas ang naturang kaganapan sa TV station ng NY1.
Unang nakilala ni Jimenez ang future wife nito 13 taon na ang nakalipas sa isang M14, isang local bus sa Manhattan, at nang magsuhestyon si Jimenez na magpakasal sila sa parehong bus ay pumayag naman ang kasintahan nito.