Gusto mo bang maging malusog at maging alerto ang iyong pangangatawan? Ilan sa mga pamamaraan na ito ay hindi mo papaniwalaan na maganda pala ang epekto sa iyo.
Anu-ano nga ba ang mga ito?
Una, upang makamit ang magandang pag-idlip, kinakailangan mong uminom ng kape. Bakit? Ang iba ay hindi nakakatulog kung iinom ng kape pero ayon sa pagsusuri ang pag-inom ng kape na may 200 mg ng caffeine ay mas nakakaalerto sa pag-iisip.
Ikalawa, sa mas magandang ngipin, hindi ka dapat mag-toothbrush matapos kumain lalo na kung acidic ang iyong huling kinain. Ang mga acidic na pagkain ay nakakapagpalambot ng tooth enamel na maaaring maging sanhi ng pagkasira ng iyong ngipin.
Ikatlo, kung gusto mong lumiit at maging slim ang pangangatawan, kinakailangang mas tumaas ang iyong bigat. Ayon sa mga sports experts, maganda umanong bumigat ang iyong pangangatawan dahil sa muscle weight at lumiit ang iyong waistline.
Ikaapat, kinakailangan ay hindi ka uminom ng energy drinks kung ikaw ay napapagod dahil matapos mo uminom ng mga ito makakaramdam ka ng nerbyos, pagka-iritable at malakas na pagpintig ng puso.
Ikalima, mag-ehersisyo kahit nakakaramdam na ng pagod, ang pag-eehersisyo kahit pagod ka ay mas nakakatulong upang magkaroon ka ng mas maraming oxygen ayon sa mga eksperto.
Ang mga ito ay hindi kapani-paniwala ngunit minsan ay kailangan maniwala lang tayo at magtiis upang makamit ang matagumpay at malusog na pamumuhay.