Napasama sa listahan ng ‘stressful cities’ sa buong mundo ang lungsod ng Maynila.
Batay sa isinagawang pag-aaral ng UK-based dry cleaning at laundry service na Zipjet mula sa limandaang lugar, nasa ikasampung pwesto ang Maynila na nakakuha ng 8.92 na rating.
Habang nanguna naman sa listahan ang mga siyudad ng Baghdad sa Iraq, Kabul sa Afghanistan at Lagos sa Nigeria.
Sinuri ang mga ito batay sa lebel ng polusyon, trapiko, public transportation, green spaces at pinansyal, pisikal at mental na estado ng mga residente.