PINAS

Mga anak ni Isaiah Thomas, hati ang reaskyon sa nangyaring trade sa kanilang ama sa NBA

Pinas News

HATI ang naging reaksyon ng dalawang anak ni NBA star Isaiah Thomas sa nangyaring trade galing sa koponan ng Celtics papuntang Cavaliers.

Ayon sa panganay na anak nito na si James Thomas ay excited na makita ang kanyang ama na kasamang kalaro si Lebron James.

Habang ang nakakabatang kapatid naman nito na si Jaiden ay minahal na ang Boston Celtics.

Sinabi rin ni Thomas na masakit para sa kanya ang nangyaring trade at mahirap man tanggapin ay mapipilitan siyang sirain ang team na kanyang binuo sa loob ng mahigit dalawang taon.

Dagdag pa ni Thomas na hindi rin siya pupunta sa Cavaliers para magpatalo.

Matatandaang sa pamamagitan ni Isaiah Thomas ay naging number 1 seed ang Boston Celtics sa Eastern Conference.