Pinas News
Muling nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) , para sa mga passport applicants na may skedyul ng kumpirmadong appointments noong Setyembre 21 ,2017 na patuloy silang tatangapin ng tangapan ng hangang Oktubre 5, 2017.
Bagaman anibersaryo ng Batas Militar,matatandaang idineklarang National Day of Protest ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw na yun at hindi holiday.
Ayon sa DFA hindi na kailangan pang ng panibagong appointment para sa mga may iskdyul na ng Set.21 kung di dalhin lamang ang print-out ng kanilang confirmed passport appointment kasama ng iba pa nilang mga requirement para sa aplikasyon.
Pinapayuhan din ng DFA ang publiko na bukas ang DFA-Aseana sa may Paranaque City mula Lunes hangang Biyernes habang ang mga DFAConsular Offices na nasa mall ay bukas naman ng hangang Sabado.
Mananatili pa rin P1, 200.00 ang halaga para sa naturang prosesso ng pasaporte.