Ni: Jannette T. Africano
Gabi pa lamang ay naghanda na ang Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa pag-landfall ng tropical depression Maring.
Ayon kay Citas Vida May De Vera ang planning officer ng MDRRMO sa patuloy silang nakatutok sa anumang posibleng mangayari at handa ang kanilang mga rescue boat sakaling tumaas ang Marikina River.
Alas-onse syete ng umaga nang itaas ang first alarm dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River.
Kaya naman pinaghahanda na ang mga residente sa paglikas partikular na ang mga nasa mababang lugar sa paligid ng Marikina River.
Kabilang sa mga barangay na nasa mabababang lugar ay ang Brgy. Tumana, Nangka at Malanday.
Wala pa rin naman umanong naitatalang bahang lugar sa Marikina na sa kasalukuyan.
Sa huli sinabi ni de Vera na mataas na ang awareness ng mga tao pagdating sa mga panahong may kalamidad.
Dahil hindi na dumarating sa puntong kailangan pang magkaroon ng force evacuation kundi sa preemptive evacuation lamang.
Dahil umano sa karanasan ng mga taga-Marikina sa nagdaang Bagyong Ondoy.