PINAS

NCRPO: Walang pattern ang pagkamatay ng tatlong binatilyo 

Iginiit ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde na walang pattern sa pagkamatay ng tatlong binatilyo na sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman.

Ayon kay Albayalde, isolated at magkakaiba ang kaso ng tatlong biktima.

Hindi aniya patas na akusahan ang pulisya na may pattern sa pagpatay sa tatlo.

Tiniyak naman ni Albayalde na walang dapat na ikatakot ang publiko dahil ginagawa nila ang lahat para mapanagot ang mga sangkot sa pagpatay sa mga biktima.