Sa Seoul…
Ibinunyag ng South Korea na may mga senyales pa umano silang nakikita na magpapatuloy pa ang paglulunsad ng North Korea ng mga Intercontinental Ballistic Missile (ICBM) sa mga susunod na araw.
Ayon kay Maj. Gen. Jang Kyung-Soo ng South Korean military, magde-deploy din ang Seoul at Washington ng mas maraming US strategic military assets tulad ng aircraft carriers at bombers sa rehiyon.
Plano din umano nilang magsagawa ng panibagong “strike drill” upang ipakita ang lakas ng puwersa nitong sumalungat sa mga aksyon ng North Korea.
Kaugnay nito, plano naman ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na makipagpulong sa mga world leaders upang pag-usapan ang ika-anim na nuclear test ng Pyongyang.