Sa Pyongyang…
Dahil sa mas mahigpit na sanction na ipinatupad ng United Nations (UN) sa North Korea, nangako ito na mas palalakasin pa ang nuclear programs nito.
Taliwas sa inaasahan ng UN at ng maraming bansa ay mas naging matigas ang Pyongyang na itigil ang mga programa nito.
Ayon sa foreign ministry ng Pyongyang, dodoblehin pa umano nila ang effort at lakas nito upang masiguro ang kaligtasan ng kapangyarihan ng bansa nito.
Ilan sa mga bagong sanction sa Pyongyang ay ang pag-ban sa textile exports nito at pagpigil sa mga shipment ng oil products rito.
Matatandaang ang mas matinding sanction na ito ay ikinasa ng amerika matapos maglunsad ng hydrogen bomb test ang pyongyang na tumama naman sa karagatang sakop ng Japan.