• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - December 12, 2019

PINAS

Ang kahalagahan ng kaluluwa ng tao (Ikalimang bahagi)

Sonspeak

Recent News:

  • Pilipinas tunay na world class ang talento
  • Sino ang mananagot?  
  • Pangalan ng susunod na PNP chief, hintayin na lang – Malakanyang
  • Promulgation sa kasong Maguindanao Massacre, itinakda ng korte sa Disyembre a-19
  • Panibagong explosive device, natagpuan sa Maguindanao
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Internasyonal
  • Probinsyal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • Buhay
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • OFW
  • Opinyon
  • Lathalain
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Pag-iwas sa pagkain ng matatamis, makatutulong sa pagpapaliit ng tiyan

September 14, 2017 by PINAS


Maraming babae ang nagkakaproblema sa pagkakaroon ng taba sa tiyan. Hindi naman ito problemang pangkalusugan ngunit dahil sa pagiging conscious sa katawan, gusto nilang makaalam ng mga bagay na mabisang pampaliit ng tiyan.

Kapag ikaw ay hindi mataba ngunit malaki ang iyong waistline, maaaring gusto mong lumiit ang iyong tiyan. Tinatawag na abdominal obesity kapag ang waistline ay mahigit na sa 40 inches sa lalaki at 35 inches sa babae.

Isa ka ba sa kanila na naghahanap ng mabisang paraan ng pagpapaliit ng tiyan? Kung gayon, narito ang ilang mungkahi sa pagpapaliit ng tiyan.

Una, iwasan ang pagkaing matatamis – ang labis na asukal sa katawan ay nakakasama. Mayroon itong hindi magandang naidudulot sa metabolismo ng katawan. Ang asukal ay nilalaman ng glucose at fructose. Ang labis na fructose ay hindi na kayang tunawin ng atay kaya ang sobra nito ay magiging taba.

Pangalawa , kumain ng mga pagkaing maprotina – ang protina ay kailangan sa pagbabawas ng timbang dahil binabawasan nito ang gana sa pagkain ng hanggang 60 porsiyento at pinapalakas ang metabolismo ng 80 hanggang 100 kaloriya bawat araw. Ang mga pagkaing maprotina ay sinasabing may malaking epekto sa pagpapaliit ng tiyan. Kaya ugaliin ang pagkonsumo ng mga pagkaing maprotina katulad ng itlog, isda, lamang-dagat, at karne.

Pangatlo, iwasan ang carbohydrates – ang pag-iwas sa carbohydrates ay epektibong pampaliit ng tiyan. Ito ay dahil sa nababawasan ang iyong gana sa pagkain. Mas mabisa ang low-carb na uri ng diet kaysa sa low-fat dahil mas mabilis mabawasan ang water weight ng katawan kapag binawasan ang pagkonsumo ng carbohydrates.

Pangapat kumain ng mga pagkaing sagana sa fiber – ang fiber ay sinasabing nakakatulong sa pagbabawas ng timbang. Ang soluble at viscous fibers lamang ang uri ng fiber na may malaking epekto sa katawan.

At panghuli, mag-ehersisyo – ang pag-eehersisyo ay mahalaga sa kalusugan at pagbabawas ng timbang. Epektibo din ito sa pagpapaliit ng tiyan. Nakakatulong ang aerobic exercises katulad ng paglakad, pagtakbo at paglangoy sa pagpapaliit ng tiyan.

Related posts:

  • Maling sukat ng sapatos, may negatibong epekto sa paa
  • Immune cells, may koneksyon sa pagbabalik ng breast cancer
  • Kidney stones at ang bagong tuklas na gamot dito
  • Paraan sa pagpili ng  tamang regalo
  • Hatid ng Pagbibisikleta

Lifestyle Slider Ticker fiber pagpapaliit ng tiyan

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2019 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.