Pinas News
PAGBUO ng ‘Philippine Legislative Force’, pabor si National Defense and Security Vice Chairman Ruffy Biazon sa panukala ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na magkaroon ng Philippine Legislative Force ang mga mambabatas.
Maituturing daw itong “logical step” para matiyak ang seguridad ng kongreso na hindi umaasa sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Dapat aniya ay nakatutok lamang ang mga kawani ng PNP at AFP sa totoong mandato nito sa halip na ma-assign sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga mambabatas gayundin ng aniya’y legislative facilities.
Makakatulong din daw ang pagkakaroon ng sariling seguridad upang sa gayon ay makapag-focusng husto ang mga mambabatas sa kanilang tungkulin.