Pinas News
Magkakaroon ng programa ang Makati City Veterinary Services Office (VSO) ng libreng bakuna sa mga alagang aso sa mga Barangay Pitogo (Set 28) at Barangay Guadalupe Nuevo (Set 29).
Ang programa ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng World Rabies Day na ginaganap tuwing ika-28 ng Setyembre.
Ang lahat ng residente ng lungsod ay inaaasahang makikiisa sa programang ito upang makatulong sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng rabies sa lungsod.