PINAS

Pangulong Duterte, dumistansiya sa  kontrobersiya ni Justice secretary Aguirre

Tinawag na naïve ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pagpapalabas ni Senador Risa Hontiveros sa larawan ng text messages sa pagitan ni Justice secretary Vitaliano Aguirre II sa umanoy miyembro ng Victims Against Crime and Corruption (VACC) kaugnay sa kasong isasampa laban sa senadora.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi dapat makisali ang senadora sa naging palitan ng text messages ng dalawang partido dahil baka naman babae lang ang pinag-uusapan ng mga ito.

Nang maipaliwanag sa pangulo na may kaugnayan sa pagsasampa ng kaso laban sa senadora ang nilalaman ng mga text messages ay dumistansiya ang pangulo.

Magugunitang hiniling ni Hontiveros at opposition senators na mag-resign na si Aguirre bilang justice secretary, ngunit nanindigan si Aguirre na nasa desisyon ito ng Pangulong Duterte kung aalisin ito sa kanyang pwesto.