PINAS

Panibagong kalsada, binuksan sa Las Piñas River Drive

Ni: Jannette T. Africano

Malaking ginhawa para sa motorista ang panibagong kalsadang binuksan mula sa Las Piñas River Drive.

Ito ay dahil mapaiikli ng otsenta prosyento ang travel time kung daraan dito.

Pinangunahan ni Sen. Cynthia A. Villar at ni Mayor Imelda Aguilar ng Las Piñas City, DENR, NGO’s at ilang opisyal mula sa DPWH na syang nagbibigay ng pondo upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng bagong kalsada na mapakikinabang ng mga motorista.

Ayon kay Villar bukod sa pagresolba ng trapiko, mababawasan rin ang basura sa ilog na tinatahak ng bagong kalsada.

Ang Las Piñas River Drive ay 1,680 meter road sa Las Piñas river na tumatahak sa Doña Julita Subdivision papuntang Veraville, Camella condo homes at Orchard at sa Las Piñas Royale Estate. Ito ay dadaan din sa Golden Haven at Villar Sipag hanggang C5 extension road.