Pinas News
Nanawagan si Puerto Rican Governor Ricardo Rosello ng tulong mula sa iba’t ibang mga bansa matapos ang pananalasa ng Hurricane Maria.
Inamin ni Rosello na hirap pa rin ang mga residente Puerto Rico na makabangon matapos ang pananalasa ng nasabing kalamidad.
Sinabi ni Rosello na maraming bahagi ng bansa ang wala pa ring suplay ng kuryente.
Nangangamba rin ang gobernador na maubusan sila ng suplay ng pagkain at tubig.
Magugunitang aabot sa 10 katao ang patay at mayroong 1.6 milyong na residente ang nawalan ng suplay ng kuryente sa lugar.