Engaged na ang Pinay Broadway actress-singer na si Rachelle Ann Go.
Sa instagram post ng singer, ibinahagi nito ang larawan ng pag-propose sa kanya ng American boyfriend na si Martin Spies sa isang beach.
Sa caption ni Rachelle, sinabi nito na ipinagdasal niya na ma-engaged sa edad na 31 at ito nga ay nangyari.
Nitong Agosto lang din nang kumpirmahin ni Rachelle ang relasyon sa American boyfriend.