PINAS

Ray Parks, Jr., prayoridad ang Alab Pilipinas Team

Nilinaw ni Gilas Cadet Bobby Ray Parks, Jr. na nais pa nitong maglaro ng isang season sa Alab Pilipinas Team na sasabak sa Asean Basketball League.

Ginawa ni Parks ang pahayag matapos ang deadline sa pagpasok sa PBA rookie draft na gaganapin sa ika-29 ng Oktubre.

Ayon sa two-time UAAP MVP, saka na nito pag-iisipan ang kanyang susunod na magiging hakbang pagkatapos ng nasabing liga.

Posible umanong maisama sa top 3 pick ang 6-foot-4 na guard sakaling ikonsidera nito ang pagsali sa naturang draft.