Alam mo ba na ang pagkain ng brown rice at wheat bread ay puwedeng makapababa ng tsansa sa pagkakaroon ng diabetes ng hanggang 36%?
Ito ang lumabas sa pag-aaral Dr. Qi Sun mula sa Harvard School.
Aniya dapat maging mapili ang publiko sa pagkain ng kanilang carbohydrates. Mayroon kasing tinatawag na good carbohydrates at bad carbohydrates.
Ilan sa mga halimbawa ng good carbohydrates ay brown rice, wheat bread, high fiber cereal at mga sari-saring gulay dahil sa taglay nitong fiber.
Mabuti rin ang mga ito sa ating bituka at nakabababa pa ng kolesterol.
Samantala ang mga bad carbo naman ay puting kanin, asukal at white bread, na madaling makataas ng blood sugar.
Dagdag pa ni Dr. Qi Sun, posible din na ang mga taong mahilig sa brown rice at wheat bread ay mga health-conscious o maingat na sila sa kanilang kalusugan kaya sila nakaiiwas sa diabetes.
Ang pagsusuri ng Harvard School ay isinagawa sa 200,000 na katao sa loob ng 22 taon. Ang 50, 000 ay kalalakihan at halos 150,000 ang kababaihan.