Ipinag-utos na ng Sandiganbayan Third Division ang pagpapalabas ng arrest warrant laban kay dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor na si Nur Misuari.
Kaugnay ito sa maanomalyang pagbili ng 137 milyong halaga ng education materials para sa ARMM noong taong 2000 sa panahon ng panunukulan nito.
Iniutos ng korte ang pagsasagawa ng paglilitis laban kay Misuari sa kasong graft at malversation.
Nakasaad sa resolusyon na nakitaan ng probable cause para litisin si Misuari at iba pang mga dating opisyal ng ARMM sa nasabing mga kaso.
Kabilang rin sa pinaaaresto sina Leovigilda Chinches, Pangalian Maniri, Sittie Aisa Usman, Alladin Usi, Nader Macagaan, Cristeta Ramirez at Lolita Sambeli.