Ni Maynard Delfin
SA mas sumisidhi at patuloy na perwisyong dulot ng problema sa trapiko ng bansa, humingi na ng tulong ang Pilipinas sa Singapore para malutas ang lumalalang pambasang suliranin sa traffic congestion.
Batay ito sa mga opisyal ng transport sektor na kung saan ang paglapit sa mga eksperto ay upang maibsaan ang 20-dekadang problema sa trapiko sa bansa.
Sa pananaliksik ng Japan International Cooperation Agency, tinatayang P2.4 bilyon araw-araw ang nawawala sa kaban ng Pilipinas dahil sa problema sa trapiko.
Ayon kay Department of Transportation (DoTr) Undersecretary Tim Orbos, may kasunduan na ang bansa sa Singaporean government upang matulungan ang Duterte administration sa pagharap sa mga samu’t saring suliranin sa isyu ng trapiko.
“They will help us properly manage [our transport systems] in Metro Manila and the entire Philippines, similar to what they did in Singapore,” nabanggit ni Orbos sa isang TV interview.
Ilan sa mga pangunahing programang tinitingan ng DoTr ay ang paggamit ng automated fare collection system. Gayundin, pinag-aaralan din ng ahensya kung paano pinatatakbo ng iilang korporasyon ang transport system sa Singapore.
Hinihimok ng transport undersecretary ang mga operator na bumuo ng mga kooperatibang tutulong sa pamahalaan sa pagsasaayos ng sistema at paglutas ng problema.
Walang agarang solusyon
“There is no overnight solution to the traffic situation in this country. But with forceful implementation, with discipline and the cooperation of everybody, somehow we can restore order on our streets and hopefully make life in Metro Manila more vibrant and livable,” sinabi ito ni Manila Development Authority (MMDA) Chair Danilo Lim nang tanungin tungkol sa pangunahing lunas sa paglutas sa traffic congestion ng Metro Manila.
Nang magsimula sa panunungkulan si Lim bilang MMDA chairman noong Hunyo, nabanggit niyang walang madali o kumplikadong pamamaraan para matugunan ang problema sa trapiko.
Dagdag pa niya ang “back to basics” approach na nakatuon sa panunumbalik ng disiplina sa mga kalye. Para maging epektibo, ang lahat ng mananakay at mga bumabaybay sa mga kalsada, lalo na sa kahabaan ng EDSA, ay kailangang magkaisa tungo sa isang hangaring malutas ang problema sa trapiko at sumunod sa mga itinalagangroad regulations.
Nakaraang panukala
Sa paghahambing, ilang mga panukala na ang ipinatupad ng dating MMDA general manager na si Orbossa pagtugon sa problema ng trapiko gaya ng suspensyon ng truck ban pass at ang pag-audit ng exemption sa number coding scheme ng ahensiya. Ipinahayag din niya ang istriktong pagpapatupad ng odd-even scheme.
Nabanggit ni Lim, nahumalinlin kay Orbos sa MMDA, na patuloy na pinag-aaralan ng ahensya ang paghanap ng mga epektibong solusyon para sa dumadaming volume ng sasakyan na bumabagtas sa mga pangunahing kalsada.
Ayon sa mga datos ng Land Transportation Office, sa humigit-kumulang na 9 na milyong rehistradong sasakyan sa bansa, nasa Metro Manila ang halos 25% or 2.4 milyong sasakyan.
Kabilang sa mga pamamarang tinitingnan ni Lim ay ang pagpapatupad ng three-digit number coding scheme at odd-even scheme.
Dagdag pa niya na habang ginagawa ang road infrastructure projectsgaya ng mga karagdagang tulay at pagsasaayos sa mga sistema ng tren, ang magagawa ng publiko ay makikipagtulungan sa MMDA sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patakaran at regulasyon ng trapiko.
Tulong mula sa Singapore
Sa pagtugon sa malaking sakit sa ulo ng Duterte administration, maraming beses nang nakipagpulong si Orbos sa Singaporean Ministry of Transport para mabalangkas kung paano matutulungan ang Pilipinas sa problema sa trapiko.
Congestion Pricing
Pinaplano ng pamahalaan angpagpapatuad ng Congestion Pricingbilang mahusay na inititiave upang mabawasan ang trapiko sa Edsa.
Ayon kay Orbos, mababawasan ng 30% ang dami ng mga sasakyan sa pagpapatupad ng Congestion Pricing. Ginagamit ang sistemang ito sa Singapore.
Tinatawag din itong Electronic Road Pricing (ERP) scheme na kung saan magkakaroon ng katapat na halagang babayaran kung dadaan ang isang motorist sa isang partikular na kalsada, katulad ng EDSA, sa partikular na mga oras gaya ng rush hour.
“It’s is all about volume reduction. The road is for everyone but it has to be used on certain times in certain areas depending on the demand,” paliwanag ni Orbos.
Hindi na gagamit ng tollway sa sistemang ito tulad ng mga ginagamit sa South at Luzon expressways.Sa halip, mga scanner ang matatagpuan nakakabit samataasna platform o mga istasyon sa kalsada.
Lalagyan ang lahat ng sasakyan ng In-Vehicle Unit (IU) o hugis-parihaba na aparato na nakalagay sa loob at ilalim ng kanan ng front windscreen. Kapag nahagip ito ng scanner, ibabawas sa IU ang bayad sa toll mula sa CashCard na dapat laging nasa aparato sa lahat ng oras.
Depende sa uri ng sasakyan at oras ng paggamit sa EDSA ang cash card or card pass. Malalamanng scanner ang oras at distansya na nilakbay ng isang sasakyan at sisingilinang driver nang naaayon sa kanyang nilakbay.
Sabi ni Orbos, “Part of the discussions that we had was… the pass should be free. It should not be at the burden of our consumers or motorists.”
Aniya ang scheme ay pansamantala lamang habang ginagawa pa ang mga bago at alternatibong ruta upang mabawasan ang trapiko sa EDSA.
Ang sistema ng Singapore ang napiling sundin sa paglutas sa problema sa trapiko ng bansa dahil sa pinaka-cost-efficient na mga network ng pampublikong transportasyon nito sa mundo, batay sa pag-aaral na isinagawa ng Credo, isang British consulting firm.
“The good thing about the Singapore model… (is) it’s a holistic approach. It starts with a behavioral concern of people,” sabi ni Orbos.
Binigyang diin niya na kilala ang Singapore sa pagpapaunlad ng teknolohiya, istriktong pagpapatupad ng mga batas, at pagpapayabong ng edukasyon pagdating sa sistema sa transportasyon.