Ni: Joyce P. Condat
Malaking problema lalona sa mga nagbibinata at nagdadalaga ang pagpapanatili ng healthy glowing white face. Sayugto ng puberty kasi madalas nagsisilabasan ang mga tigyawat sa mukha at maging sa ibang parte rin ng ating katawan. Stress, maruming kapaligiran, usok, at unhealthy lifestyle ang malaking dahilan kung bakit hindi tayo nag kakaroon ng malusog na kutis.
Madalas tayong maengganyo sa paggamit ng mga produktong ina-advertise ng mga sikat na artista. Inaasam nating magkaroon din ng kutis na katulad ng kanila kaya’t napapabili tayo ng mga gluthatione at iba pang mga pampaputi. Butinalang, may concealer at color correctors upang maitago ang mga acne scars at eyebugs dulot ng puyat at stress.
Ang sikreto? Ayon sa thefitindian.com, kumain ng mga piling pagkaing mayaman sa protina tulad ng isda, iba’t-ibang uri ng nuts, broccoli, at ang pinakasikat sa pampakinis ng kutis—ang kamatis. Ayon naman sa womashealthmag.co.uk, ang pagkain ng pakwan ay mabuti sa ating balat dahil sa lycopene na dala nito. Matulog ng anim hanggang walong oras upang maiwasan ang eyebugs. Huwag ding kalimutang tanggalin ang makeup bago matulog. Bumabara sa pores ang naiwang makeup sa ating mukha resulta upang tigyawatin tayo at magka-wrinkles.
Gumamit lagi ng sunscreen upang maprotektahan ang ating kutis sa delikado ng UV rays ng araw. Higit sa lahat, ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig o fresh fruit juice upang mapanatiling hydrated, moisturized, at glowing ang ating mukha.
Ikanga nila, beauty comes from within. Sahalip na gumastos ng malaki sa pagbili ng mga produktong pampaputi at pampa-derma, subukan mong idaan ang pagpapaganda sa mas natural na paraan. Tiyak ding hindi ito ikakabutas ng iyong bulsa.
KAMATIS, PAMPAKINIS NG KUTIS.
Kilala ang kamatis dahil sa laman nitong lycopene na tumutulong sa pagpapakinis ng ating balat.