Fr: Noli Liwanag
Tagumpayang training camp ng Milo-FC Barcelona
TAGUMPAY ang isinagawang training camp napinangunahan ng MILO at FC Barcelona (FCB) na nagbahagi ng kahalagahan ng pagpapakumbaba, pagsisikap, ambisyon, respeto at pagtutulungan, na umabot sa 140 kabataan ang naki isa sa MILO-FCB Road to Barcelona Camp na ginanap sa Mckinley Hill Stadium, Taguig, kamakailan.
Sumali sa training ang mga batang footballers mula sa Metro Manila, Cavite, Laguna, IloIlo at Cebu n anagpakita ng kanilang husay at matutunan ang halaga ng buhay salarangan ng palakasan bukod pa sapag-asang maging delegado ng bansa na kakatawan sa FCB Escola Camp sa Barcelona saOktubre.
Apat na taong mag katuwang ang FC Barcelona at Nestlé MILO kung saan inilunsad sa buong mundo na may layuning tulungan ang mga kabataan kasamana ang mga Pilipino na nagpursigi para maabot ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng football.
Ang MILO FCB Road to Barcelona Camp ay nag bigay ng libreng world-class training sa mga karapat-dapat na Filipino football players sa ilalim ng mga FCB Escola Camp coaches mula sa Barcelona, Spain.
Bukod sa training session, nag hanap din ang MILO-FCB Road to Barcelona Team ng dalawang most deserving players na mabibigyan ng all-expense paid trip patungong Barcelona, Spain.
Makakasama nila ang iba pang players mula sa ibang bansa sa once-in-a-lifetime experience na mag-training sa Camp Nou, ang tahanan ng sikatna FC Barcelona, sa Oktubre.
Katulong ng MILO ang Philippine Football Federation sa selection camp at FC Barcelona coaches Arnau Blanco at Marti Vila, nagdaos din ng iba’t ibang international FCB Escola camps sa Europe, Asia, South America at Australia.
Nagsagawa si na Arnau at Marti ng mga football drills para sa mga bata na may theoretical concepts na nagpapakita ng sistema at kultura ng FC Barcelona.
***
Games of the XXXIV Olympiad sa Los Angeles (LA)
SIGURADONG paghahandaan ng halos kalahating milyong Pilipino na naninirahansa Los Angeles (LA), California ang 2028 Summer Olympics.
Ayon kay L.A. Mayor Eric Garcetti, ito raw ang pinakahihintay na sandali ng mga mamamayan ng lungsod nakinikilalang “ The Entertainment Capital of the World”.
Nangako ang alkalde na magiging financial backstop ang city government ng LA sakaling magkulang ang tinatayang $5.3-billion na budget para sa Olimpiada.
Una rito, opisyal na ring iginawad ng International Olympic Committee (IOC) ang pag-host ng 2024 Olympics sa Paris, France.
Ito na ang ikatlong beses na magho-host ang “City of Angels” ng Olympics, una noong 1932 at ikalawa naman noong 1984.
***
Tagumpay ni Fil-Am Brian “Hawaiian Punch” Viloria, patuloy
SINIGURO ni three time world champion Filipino American Brian “Hawaiian Punch” Viloria nasapat ang kanyang lakas para maging kampeon nang tapusinsa 5th round si WBO No. 13 flyweight Miguel Cartagena sa super flyweight bout sa Carson, California, United States, kamakailan.
Nasa rank No. 3 sa WBO, No. 5 sa WBC at WBA, at No. 7 sa IBF sa flyweight division si Viloria, na lumaban sa mataas na dibisyon para magkaroon ng pagkakataon sa world title bout.
Nabawi ni Viloria ang pagkatalo sa 1st round TKO ng kababayang si dating world rated Filipino Joebert Alvarez kay Cartage na noong 2016 sa Kissimmee, Florida at tiyak na papasok sa super fly weight world rankings.
Napaganda ni Viloria ang kanyang record sa 38-5-0 na may 23 panalosa knockouts.