PINAS

SSS, iginawad ang Best Media Partner sa DZRD Sonshine Radio Dagupan

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pinas News

Tumanggap ng award ang DZRD Sonshine Radio Dagupan bilang Best Media Partner ng Social Security System (SSS) Central I Division sa ginanap na 60th SSS Anniversary Sa Midory Hotel, Clark Pampanga kamakailan.

Isang malaking karangalan ng radio station sa pamumuno ng President and CEO, Pastor Apollo C. Quiboloy ang ganitong pagkilala at naisusulong ang kaniyang layunin dahil ang mga parangal na tulad ibinigay ng SSS ay indikasyon na nagagawa ang misyon ng istasyon.

Ang 60th SSS Anniversary ay dinaluhan ng SSS Central I Division kabilang na ang Dagupan City, Alaminos City, Urdaneta City, Tarlac City, Cabanatuan City, San Jose City, Iba, Mariveles, Quezon at iba pa kung saan ay naging matagumpay ang pinagkaisang programa na sa bawat sangay ng ahensya.

Dumalo sa okasyon ang SSS chairman, Amado Valdez na nagbibigay ng mensahe at inspirasyon sa mga empleyado at opisyal kung saan ay nanguna sa pamimigay ng award sa mga best sss emlpoyees at partners ngayong taong 2017.

Ang Balikat ng Bayan Award ay simbolo ng vision at commitment ng SSS na tumulong sa pagbibigay ng proteksyon sa bawat Pilipino.