PINAS

Taiwan, naglabas na ng maritime warning at kanselasyon ng ilang flights dahil kay Bagyong Talim

Sa Taiwan…

Naglabas naman ng maritime warning at nagkansela na ng ilang byahe ang Taipei kasunod ng pag-landfall ni typhoon Talim.

Inaasahang tatama ang bagyo sa ilang mga syudad ng Taiwan lalo na ang sentro nito na Taipei at inaasahan rin ang paglakas nito bilang super typhoon.

Ayon sa Central Weather Bureau, asahan ang patuloy na paglakas ng ulan na may kasamang malakas na hangin dahil sa patungong pagkilos ni Talim patungong norte ng Taiwan.

Una na nga na nagpalabas ng kanseladong mga biyahe ang China Airlines at EVA Airways, ang dalawa sa pinakamalaking carriers sa Taiwan.

Samantala, aabot naman sa kalahating milyong residente ang inabisuhan ng paglikas sakaling lumakas pa lalo ang bagyo.