Muling nagpaabot ng tulong pinansyal ang Estados Unidos para sa patuloy na relief, recovery at rehabilitation operation sa Marawi City.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni US Ambassador to Philippines Sung Kim, patuloy ang kanilang ipagkakaloob na tulong sa bansa lalo na sa nagaganap na krisis sa Marawi.
Tinatayang nasa kabuuang 730 milyong piso ang ipagkakaloob na tulong pinansyal sa pamamagitan ng US aid.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang opisyal sa mga namatayan sa nagaganap na kaguluhan sa Marawi.
Umaasa si Kim na matatapos sa lalong madaling panahon ang krisis sa Marawi.