Ni: Jimmy Mendoza
DALAWANG babaeng tulak ng methamphetamine hydrochloride, o mas kilala sa tawag na shabu, ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ikasa ang drug buy-bust operation sa Agusan Del Sur.
Kinilala ni PDEA Director General Aaron N. Aquino, ang suspek na sina Gracelyn Tabulo, Alias Grace, 20-anyos, at Flora Mae Matabalan, 23-anyos, kapwa residente ng Purok 2, Barangay Poblacion, Barobo, Surigao Del Sur.
Naaresto si Tabulo at Matabalan sa kahabaan ng National Highway, Barangay 5, San Francisco, Agusan Del Sur.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang pirasong transparent plastic sachet na umanoy naglalaman ng shabu, ng may isang gramong nasa street value ng P5,000, at drug buy-bust money na ginamit sa transaksyon.