PINAS

4th PBA-MVP award nakuha ni June Mar Fajardo

Ni: Noli Liwanag

SA ika-4 na pagkakataon iginawad kay San Miguel Beerman June Mar Fajardo ang PBA Most Valuable Player Award sa 2017 PBA Leo Awards.

Ikatlo si Fajardo, tinaguriang “The Kraken,” sa mga manlalaro ng first professional basketball league in Asia na nakakuha ng apat na MVP Award matapos sina Ramon Fernandez (1982, 84, 86, at 1988) at Alvin Patrimonio (1991, 93, 94, at 1997).

Kauna-unahan din ang Cebuano big man na hinirang na MVP ng apat na sunod-sunod na seasons.

Sa ibang parangal, sina Ross, Cabagnot, Fajardo, Japeth Aguilar at Arwind Santos, ang Mythical First Team. Bumuo naman sa Mythical Second Team sina Jayson Castro, LA Tenorio, Joe Devance, Kelly Williams at Cliff Hodge.

Habang kabilang naman sa 2017 All-Defensive Team sina Aguilar, Fajardo, Ross, Jio Jalalon at Gabe Norwood. Nakamit naman ni Roger Pogoy ng TNT KaTropa ang PBA Rookie of the Year. Itinanghal din si Ross bilang Most Improved Player.

naman ni Norwood ang Sportsmanship Award na nabingwit ni Fajardo noong nakaraang taon.

Si Gregg Slaughter ng Ginebra San Miguel ang tinanghal na Best Player of the Conference at si Allen Durham ng Meralco ang naging Best Import of the Conference ng 2017 PBA Governors’ Cup.