PINAS

6 na bilanggo, nakatakas sa Laguna Provincial Jail

Pinas News

NATAKASAN ng anim na preso ang Laguna Provincial Jail gamit ang baril na naipuslit sa loob ng bilangguan.

Ayon Kay Laguna Police Dir. Sr/ Supt. Cecilo Ison, armado ng kalibre .38 na baril ang mga tumakas na preso bandang 11:00 ng umaga.

kinilala ang mga tumakas na inmates na sina Rhandel Vale; Rio Mahilom; Rayman Raymundo; Teddy Bucal; Romel Macaraig; at Verjust Dizon.

kritikal naman ang lagay ng jail guards na si Norberto Malabanan matapos barilin sa mukha ng isa sa mga tumakas na preso.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang mga tumakas na inmates habang naka-lockdown ang buong provincial jail.