Pinas News
SI dating Colegio De San Juan De Letran Championship Coach Louie Alas ang magiging bagong head coach ng koponan ng Phoenix sa susunod na season ng PBA.
Papalitan nito si dating Head Coach Ariel Vanguardia.
Ito ang ikalawang pagkakataon na maging head coach si Alas.
Una siyang naging head coach sa mobiline na ngayon ay TNT Katropa noong taong 2000 hanggang 2002.
Nagsilbi rin si Alas bilang deputy coach ng Alaska.