PINAS

Amerika, hindi ‘threatened’ sa paglapit ni Pang. Duterte sa China at Russia

Pinas News

HINDI umano ‘threatened’ ang Estados Unidos sa paglapit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China at Russia at pagtanggap ng mga armas mula sa mga ito.

Binigyang-diin ni US Ambassador Sung Kim na tanging ang Amerika lang ang nag-iisang treaty-ally ng Pilipinas.

Sa matagal na panahon aniya, ay Amerika na ang nagbibigay ng mahahalagang kagamitan sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Kim na si Pangulong Duterte mismo ang naglinaw na kahit na nais nitong mapabuti ang relasyon sa China at Russia ay patuloy rin nitong pananatilihing matatag ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.

Samantala, inaasahang mangyayari ang unang pagkikita nina Pangulong Duterte at US President Donald Trump sa darating na Nobyembre.