NI: Pastor Apollo C. Quibolo
SI Satanas sa kanyang panahon ng kalakasan sa paglilinlang sa tao na maniwala sa lahat ng mga relihiyosong dogmang ito na hindi inaalintana ang kaligtasan ng tao. Ngunit nagpapasalamat ako sa Dakilang Ama, na sa huling mga araw na ito, Kanya akong ibinunga bilang isang Hinirang na Anak at inihayag sa akin ang lahat –upang isauli sa dating anyo, upang isagawa –sa anong katapusan? Ang paglulok sa Kalooban ng Panginoon sa puso at isip ng tao.
Ito ang buod ng Bagong Tipan, ng Bagong Kasunduan. Kaya nang Siya ay nanalangin Kanyang sinabi, “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang inyong kalooban, kung papaano sa langit, gayon din naman sa lupa.”
KALOOBAN NG TAO
Bakit iyan ang dalangin? Dahil sa sanlibutang ito, bago idinulot ang anak na lalaki, palaging ang kalooban ng tao ang nasusunod. At si Satanas ang siyang may gawa ng lahat nang kanyang nalinlang ang tao. Kaya sinabi niya, “Ang lahat ng ito ay ibinigay sa akin. Lahat ng kaharian sa mundong ito ay akin.”
Ang lahat ng kaharian ng mundong ito ay binuo ng tao –ang naninirahan na siyang bumuo ng isang sosyedad, isang lungsod, isang bansa. Ang lahat ng ito ay nasa ilalim ng ganap ng kalooban ni Satanas sa pamamagitan ng kalooban ng tao na laging ikinahulugan ang mabuti at masama na naaayon sa kanila, na may gawa sa batas ng tao na nagmumula sa relihiyon, mula sa sekular na pamahalaan, mula sa relihiyosong pamamahala. Lahat ng ito ay pareho.
Kung tingnan ninyo ng maigi ang kapangyarihan at otoridad na meron sa mga institusyong ito, laging ang kalooban ng tao ang masusunod. Saan ang Kalooban ng Panginoon? Hindi natin ‘yan nalalaman. Kapag nasalubong ninyo ang Salita ng Panginoon, ang mga ito ay walang kapangyarihan. Kaya kapag nakikinig kayo sa kanila, ang mga salita ay mababaw, dahil ang mga relihiyon sa Kapanahunan ng Simbahan ay binabasa ang mga ito ngunit hindi nila ito sinusunod. Ano ang kanilang sinusunod? Ang mga salita na kanilang ginawa. Iyan ang kanilang kapangyarihan at otoridad ngunit hindi nito inalintana ang inyong kaligtasan. Ginagamit lamang nila ang Kanyang pangalan, ginagamit ang Kanyang mga salita. Ngunit ang kamangmangang ito ay natatapos na. Ang Ama ay nagsabi, “Ang kamangmangan ito ay matatapos. Kapag ang Anak ng Panginoon na hinirang ng Ama ay ipadadala sa mundo para sa paghahatol.” At ito na ngayon ang panahon.
Mga Gawa 17:30-31: b30“Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios; datapuwa’t ngayo’y ipinaguutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako:
Sa limang taon na ako ay ibinukod sa Tamayong, binuhos ng Ama ang lahat ng Kanyang mga sentimyento, ang Kanyang kalooban sa akin, at magdulot ng isang anak sa katauhan ko. At meron lamang isang bagay na natutunan ko doon, at iyan ang salita ng pagsisisi.
Kanya akong pinadala sa buong sanlibutan upang sabihin sa mga tao na magsisisi dahil ang mga panahon ng kamangmangan sa Panginoon na pinalipas ng Ama ay natapos na; ngayon ay ang Araw ng Panginoon. Ang Abril 13, 2005 ay ang opisyal na pagsimula sa Araw ng Panginoon nang sinabi niya:
b31: “Sapagka’t siya’y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito’y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya’y buhayin niyang maguli sa mga patay.”
Sino ang taong iyan? Ang Dakilang Ama, ang Panginoong Hesu Kristo na ngayon ay naihayag sa Kanyang Hinirang na Anak mula sa nahuhulog na angkan ni Adan, sa pamamagitan niya ay Kanyang natapos ang kaligtasan, hinahatulan ang mundo sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran. Iyan ang itinalagang araw.
Bago dumating ang araw na iyon, hindi natin nalalaman ang araw; hindi ko nalalaman ang araw. Nababasa ko rin ang kasulatan noon ngunit wala itong kahulugan sa akin dahil hindi ito nakaaktibo sa aking buhay. Ngunit nang dumating ang aktibasyon ng ministeryong ito at ang Kanyang mga salita ay naitaas at naging laman dahil kumakatawan ang mga ito sa buhay ng Hinirang na Anak, ang lahat ng sinasabi ko ay nagdadala ng kapangyarihan at otoridad upang iligtas ang bawat tao dito sa mundo ngayon.
PAANO NANGYARI ANG KASALANAN
Gumawa tayo ng mabilisang pagbalik-tanaw ng kaligtasan. Tingnan natin ang paraan na nilikha ang tao. Ang Nilikhang Anak ay si Adan. “Siya ay nilikha mula sa alikabok ng mundo at pagkatapos ay umihip ang Panginoon sa kanyang mga ilong ng hininga ng buhay kungsaan siya ay naging buhay na kaluluwa na ginawa sa mga kamay ng Panginoon.”
Ano ang misyon ni Adan, ang Nilikhang Anak? Siya ang magiging tirahan ng Ama na Panginoong hindi nakikita, na isang espiritu. Kanyang mamanahin ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Ama dahil siya ang Anak na lalaki at Kanyang ibinigay ang paghahari sa lahat ng nilikha ng Ama; iyan ang Kingship o ang Paghahari. Nasa kanya ang Sonship at ang Kingship.
Ngunit ano ang nangyari? Nawala sa kanya ang Kingship at nawala sa kanya ang Sonship nang bumisita si Satanas na si Lucifer ang demonyo sa kanya sa pamamagitan ng ahas. Nagsalita ito sa kanya at sinabi, “Hindi kayo mamamatay, ngunit magiging mga panginoon kayo na kagaya Niya.” Genesis 3:4-5
Mula noon, ang paghihiwalay ay nangyari; hindi na naririnig nina Adan at si Eba ang mga salita ng Ama at ang kalooban ng tao ang nailuklok.
ANG GAWAIN NI SATANAS
Si Satanas gaya ng sinabi ko ang may gawa nitong lahat at ito ang katangian ng lahat ng sosyedad ng mundo ngayon. Pitong bilyon katao, maging ito man ay nasa siyentipikong mundo, relihiyosong mundo, sekular na mundo, politikal na mundo, anupaman –lahat ng mga ito ay nasa ilalim ng pamumuno ni Satanas na si Lucifer ang Demonyo sa pamamagitan ng binhi ng ahas o serpent seed.
At nasaan ang pagliligtas ng Dakilang Ama? Hindi ito matatagpuan. Kahit ang relihiyon na umakong nagtuturo patungkol sa Panginoon ay binabaluktot ito. Hindi ko sila masisisi dahil sila rin ay nalinlang. Tinakpan ni Satanas ang Salita ng Panginoon. Kanya itong binaluktot. At nasa ilalim ng pamumuno niya ang lahat ng mga tao. Kaya nang ginamit niya ang mga ito upang linlangin ang iba, gaya ng ginawa niya kay Athanasius, na siyang gumawa ng “Three Gods Theory,” noong 325 A.D., iyan ang gawa ni Satanas na si Lucifer ang demonyo, sa isip ni Constantine, ang Paganong emperador.
Ang motibo ni Constantine ay pag-isahin ang Roman Empire at lusawin ang lahat ng mga dibisyon. Ito ay isang mahusay na ideyang politikal na gamitin ang relihiyon bilang sangkap na pag-isahin ang Roman Empire sa ilalim niya at kaniyang ginamit si Athanasius, ang natitisod na Obispo, upang gawin itong dogma na nagsasabi na merong tatlong diyos sa halip na isa. Ito ang gawain ni Satanas na sumasalungat sa Salita ng Dakilang Ama.
Sinabi ng Dakilang Ama, “Holy One.” Ngunit palaging sinasalungat ito ni Satanas, sinabi niya, “The Holy Three.” Iyan ang pagkakatatag ng kalooban ng tao sa pamamagitan ni Satanas na si Lucifer ang Demonyo na ginagamit ang tao.
(itutuloy)