Pastor Apollo C. Quiboloy
GAGAMIT din ang Ama ng makasalanang tao upang isagawa ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagligtas ng isa sa atin. Una, “sa pamamagitan ng pagtalima ng isa, ang lahat ay maliligtas, sa pamamagitan ng pagsuway ng isa, lahat ay makasalanan.” Iyan ang pamantayan ng kaligtasan.
ANG PAMANTAYAN NG KALIGTASAN
Nagpasalamat ako sa Ama, nang Kanya akong hinirang, ako ang humawak at pumalit sa posisyon ni Adan, ang ating unang magulang sa laman. Pagkatapos ang hardin ay nailikha, ang lugar kungsaan ang hindi natapos na gawa mg tao ay nagpapatuloy, at ito ay nangyari sa malayong Silangan, sa Tamayong, sa paanan ng Mt. Apo.
Kinakatawan ko ang buong sangkatauhan nang naroon ako. Kinakatawan ko kayong lahat; rasa man kayo nanggaling, kayo ay kasali. Kung nabigo ako doon at hindi ko nagamit ng mabuti ang kalayaan ng pagpili sa pagtalima sa Kalooban ng Ama, wala kayo dito ngayon na nakikinig sa akin. Tayo ay mananatili sa kadiliman at naghahanap pa ng tunay na kaligtasan, na siyang lubos na hinahangad ng ating kaluluwa.
Ngunit maaari tayong gawing makuntento ng relihiyon at maaari tayong maniwala na ang lahat ng bagay ay tama. Ang lahat ng bagay ay hindi tama kapag kayo ay namatay at matatagpuan ang sarili na nagpapahilata sa apoy ng impiyerno; doon na lamang ninyo malalaman. Ngunit ang relihiyon ay ang inakalang makagagamot sa kanser ng lipunan ng tao, na tinatawag na serpent seed o binhi ng ahas, ngunit wala itong nalutasan.
Ang Ama, gaya ng sinabi ko, ay gagamit sa isa sa atin na mula sa makasalanang rasa ni Adan, at ito ay sa kaalaman ng Ama kung sino ang taong iyon. Kagaya ng aking nakikita, unang dumating ang Kapanahunan ng Simbahan bago sa akin sa matagal na panahon. Ito ay nagsimula libo-libong taon na ang nakararaan, noong 70 AD at saan kayo noong 70 AD? Saan ako noong 70 AD? Wala pa nga ako sa alaala noong 70 AD, ngunit sa isipan ng Ama, naroroon na ako.
Kaya Kanyang sinabi, “Bago kita inanyuan sa tiyan ng iyong ina, ng iyong mga magulang. Tinawag na kita.”
Kahit ang aking ina ay hindi pa naroroon sa panahong iyon. Kahit ang ina ng aking ina at sa mga nakaraan pang henerasyon, hindi pa naroroon sa panahong iyon. Ngunit sa isipan ng Ama, tayo ay naroroon na. Kahit dalawang libong nakararaan, nang Siya ay nasa krus, “Kanyang nakita ang Kanyang binhi…” Masaya Siya sa iisang binhi lamang. “Nakita Niya ang Kanyang binhi…” na kumakatawan sa laman ng isang makasalanang rasa ni Adan, na siyang pokus ng tunay na kaligtasan; at ang “isang” iyon ay maliligtas at makauunawa sa kuwento ng kaligtasan at sa huli ay tatanggapin ito sa kanyang kalayaan sa pagpili.
Kahit na nauunawaan ninyo ang lahat, kahit na naihayag na sa inyo lahat, kapag inyo itong isantabi ang anuman o ang lahat, walang mangyayaring kaligtasan. Kaya kailangan ninyong magdesisyon sa bawat panahon, at sa bawat panahon naroroon si Satanas, lalo na kung may isang bagay kayong hindi mauunawaan at ipapagamit niya sa inyo ang inyong karnal, at natural na pag-iisip. Dahil iyan ay natural sa tao. Kapag ang isang tao ay hindi mauunawaan ang isang bagay, kanya itong itakwil. Tinatakwil ng mga tao ang mga bagay na hindi nila mauunawaan dahil ginagamit nila ang kanilang limitado at natural na pag-iisip.
Ngunit binigyan ako ng Ama ng handog ng pananampalataya. Ang handog ng pananampalataya ay nangangahulugang, “Hindi na kailangang ipaliwanag ninyo Ama sa akin. Alam ko na galing ito sa Inyo. Hindi ko kailangang unawain muna ito. Kailangan ko lang na paniwalaan ito.” At ito ang aking ginawa na nagbigay ng kaibahan.
Kaya narito ako ngayon. Kung saan sila ay nabigo, doon ako nagtagumpay. Wala sa mga kapahayagang iyon ang nahulog sa lupa; natanggap ko ang lahat ng ito. Nauunawaan ko man o hindi, walang anuman iyan sa akin. Sabi ko, “Huwag mag-alala sa akin Ama, dahil mabigo man sa akin ang aking isipan, mabigo man ang aking isipan na unawain ang anuman sa Iyong Kalooban ay dahil ang Inyong pag-iisip ay mas nakakahigit sa aking isipan.Kagaya ng layo ng langit sa ibabaw ng mundo, ang kaisipan ng Panginoon.”
Kaya kailangan kong gamitin ang pananampalataya upang makakaya kong tanggapin ang Kanyang mga kapahayagan sa maikling panahon lamang. Sa limang taon, lahat ng ito ay nakumpleto.
ANG MISYON NG HINIRANG NA ANAK
Ang Bugtong na Anak ay dumating, ang ating Dakilang Ama ang Panginoong Hesu-Kristo sa Hentil na kapanahunan, na siyang Salita na naging laman. “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” (Juan 1:1)
Sa Lumang Tipan, ang Salita ay naging laman, pagkatapos ang Espiritu na siyang lumikha ng laman ay naging Ama. Ang Espiritu ay naging Ama, ang Salita ay naging Anak, kaya meron tayong Ama at Anak. Iyan ang Espiritu at Salita. Ang Salita ng Panginoon ay ang Kanyang Anak. Pagkatapos Kanyang nilagay ang Salita sa laman, na kagaya natin, upang ito ay magkakahawig sa atin at manirahan na kagaya sa atin, makipag-usap sa atin. Ito ang kalahi na uri ng pagliligtas upang tayo ay maiuuri. Hindi ninyo maiuuri ang kaligtasan sa isang kabayo, o ng isang kalabaw na nagsasalita. Isipin nalang ang isang aso na nakaupo at nagsasalita sa inyo sa anumang sinabi ko sa inyo at kayo ay isang tao.
Kaya ginawa Niya ang sarili na maging laman. Ang espiritu at Salita sa Lumang Tipan ay naging Ama at Anak sa Bagong Tipan. Kaya sinabi ng Anak, “Ako at ang aking Ama ay iisa,” (Juan 10:30), malinaw na sinasabing, “Ang Salita at ang Espiritu ay iisa.”|
Ano ang misyon ng ating Dakilang Ama sa Mateo 1:18-21?
Makikipaghiwalay na sana si Jose mula kay Maria, ngunit ang anghel ay lumitaw sa kanya sa isang panaginip sa gabing iyon at nagsabi, “Jose huwag humiwalay kay Maria dahil ang nasa sinapupunan niya ay sa Espiritu Santo. Ito ay sa Panginoon.”
Kaya ang Panginoon ang Ama ng katawan na iyan, hindi isang tao. Hindi kagaya ng doktrina ng mga taong ito sa Simbahang Kapanahunan, ang gawa sa taong doktrina na nagsasabing, “Si Hesus ay tao lamang. Kung siya ay Panginoon bakit siya nagdudusa sa krus?”
Isipin na lamang, hindi nga nila mauunawaan iyan at akala nila na sila ay napakatalino at intelihente. Kung ang inyong Panginoon ay napakalimitado, bakit nagtitiwala kayo sa kanya? Kung ang inyong Panginoon ay hindi magiging isang tao, paano kayo magtitiwala sa Kanya? Magagawa Niya ang lahat ng bagay na nais niya. Siya ay Panginoon.
(itutuloy…)